Paglampas pa sa mga speed test: mga bagong feature ng Meteor at OpenSignal iOS

Mahalaga ang pag-alam kung gaano kabilis ang iyong internet. Pero ano naman kaya ang pag-unawa sa kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga numerong iyon.

Kaya mo bang mag-stream ng video sa bilis na 6 na Mbps? E ang mag-download ng podcast? Hindi ka na ba mananalo nang sunod-sunod sa Fortnite dahil mahina ang pagtugon ng network?

Nilayon naming sagutin ang lahat ng mga tanong na iyon (at marami pa) sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kakayahan ng aming dalawang app sa pagsuri sa signal: pagpapakilala ng bagong-bagong feature sa pagsuri sa video sa OpenSignal at pagpaparami sa bilang ng mga app na sinusukat ng Meteor sa 40+ na app. 

Kaya bang gumana nang maayos ng mga paboritong app mo?

Agad na ipinapakita sa iyo ng Meteor ang mga kasalukuyang bilis ng iyong koneksyon sa internet para sa pag-download at pag-upload kasama ang latency o bilis ng pagtugon ng iyong network. At pagkatapos ay sinasabi nito sa’yo kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga resulta mo. Hindi na manghuhula pa kung mahusay na ba ang kasalukuyang bilis ng internet mo para mag-stream ng video, maglaro ng multiplayer na game o sumali sa video call.

Sa mga nakaraang linggo, nagsisikap kaming magpasok ng dose-dosena pang app sa mga dashboard ng Meteor, kasama ang mga paboritong laro mo sa mobile – Fortnite, Call of Duty, PUBG -, mga pangunahing ginagamit sa pagtatrabaho mula sa malayo tulad ng Zoom, Webex at Slack, o mga karaniwang ginagamit mo sa pang-araw-araw kasama ang Facetime at Netflix. Saklaw ng aming pangkat ng 40+ na app ang mga paborito mo. 

Para sa kumpletong listahan ng mga suportadong app at higit pang mga detalye, i-download Meteor para sa iOS

Aktuwal na oras na pagsuri sa pag-stream ng video gamit ang OpenSignal

Dagdag pa sa lahat ng mga feature ng OpenSignal na alam at hilig mo – ang mga speed test o pagsuri sa bilis, dashboard at mapa ng coverage o saklaw – kamakailan ay nagpakilala kami ng isang bagong-bagong feature sa pagsuri sa video sa mobile na ipinapakita sa iyo kung ano ang kalidad ng pag-stream ng video na maaasahan mo sa mga HD at SD na video.

Nagpapalabas ang pagsusuri ng isang maikling 15 segundong video para suriin at i-log ang oras ng pag-load, pag-buffer, at mga isyu sa playback, at lahat ay sa aktuwal na oras.

Patakbuhin ang iyong pagsuri sa video gamit ang OpenSignal, available na ngayon sa AppStore!